SA gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at paglobo ng halaga ng gasolina, ipinaglapatuloy ang pamamahagi ng ayudang pagkain, gulay at isda mula sa Maynila patungo sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Katuwang ang Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development ay nakarating na ang ayuda sa Mindanao sa pangunguna na inisyatiba ni Senate Committee on Economic Affairs Senador Imee R. Marcos.
Bahagi pa rin ito ng pamamayagpag sa Maynila, Metro Manila at ngayo’y sa Davao ng proyektong “Kadiwa, Pasasalamat at Ugnayan sa mga barangay”.
Nabahaginan nito ang isanlibong residente sa Barangay Vicente Duterte at Buhanginan sa Davao City kung saan nanguna si President-elect Bongbong Marcos Jr. na nangakong magsusumikap na mapababa ang presyo ng bigas.
Sa personal na pamamahagi ng ayuda doon ni Senador Marcos, sinamahan siya nina Senador Bong Go, Mayor-Elect Baste Duterte at ilang mga lokal na opisyal.
Inihayag ni Senadora Marcos na kailangang buhayin na ang orihinal na bersyon ng Kadiwa na pamana ng ama nila na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr upang mas lalong maraming mga kababayang Pilipino ang makapamili ng murang produkto at pagkain ngayong may krisis, na direkta namang binibili ng gobyerno mula sa mga magsasaka sa bansa. (Jaymel Manuel)