OPM ICON FREDDIE AGUILAR, PUMANAW NA

NAGLULUKSA ang Filipino music industry sa pagpanaw ni Freddie Aguilar, ang iconic Filipino singer-songwriter na kilala sa kanyang global hit na “Anak,” sa edad na 72.

Kilala bilang isang haligi ng Original Pilipino Music (OPM), ang mga kanta ni Aguilar ay humubog sa isang henerasyon at nagbigay inspirasyon sa mga tagapakinig sa iba’t ibang kultura.


Naulila niya ang kanyang asawang si Jovie at apat na anak

Ang kanyang pagkamatay ay kinumpirma noong Martes, Mayo 27, ni Atty. George Briones, general counsel ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), kung saan si Aguilar ay nagsilbing national executive vice president.

Matatandaang ang asawa ni Aguilar na si Jovie ay nagbabahagi ng update sa kondisyon ng singer mula sa Philippine Heart Center, kung saan siya naospital.


“Nakaka-touch yung mga kinukumusta rin ako sa gitna ng kalagayan ni Freddie. Always finding courage in the face of fear,” pahayag ni Jovie kanyang Facebook post.

Tumatak ang pangalan ni.Freddie Aguilar sa kantang “Anak” na naunang narinig noong 1977, isinalin ito sa 51 wika at naging isa sa pinakamabentang awiting Filipino sa lahat ng panahon.


Ang iba pang hit tulad ng “Bulag, Pipi At Bingi” at “Magdalena” ay nagpakita ng husay ni Aguilar sa paghabi ng pagkukuwento gamit ang social commentary.

Ang kanyang musika ay naging mga awit hindi lamang para maging libangan kundi para na rin sa pagninilay at pagtutol, pagtugon sa kawalan ng katarungan, kahirapan, at kalagayan ng mga Pilipino sa Pilipinas.


Naulila din ni Aguilar ang apat na anak mula sa dating asawa na sina Maegan, Jonan, Isabella, at Jeriko.

Tags: Freddie Aguilar

You May Also Like