‘OPLAN GALUGAD’ SA MANILA SOUTH CEMETERY

SORPRESANG nagsagawa ng paggalugad ang mga tauhan ng Manila Police District- Sta.Ana Police Station sa mga nakatira sa loob ng Manila South Cemetery kaugnay ng preparasyon sa darating na Undas.

Pinagsama-sama ang mga nalikom na indibidwalmalapit sa gate ng sementeryo para sa kani-kanilang pagkakakilanlan at matukoy kung ang iba sa kanila ay may warrant of arrest


Isa ang naiulat na may arrest warrant dahil sa droga at ang isa’y naaktuhang humihitit ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon sa report na isinumite ni Police Lt.Colonel Orlando Mirando, Jr., Commander ng Sta Ana Police District, kay MPD- Director , Brigadier General Andre Perez Dizon,
pasado alas- 5 ng hapon nang sabay-sabay silang nagtungo sa lugar, kasama si Police Major Jake Arcilla, chief operation, ibang PCP Commander at mga tauhan nito, nang masorpresa ang mga nakatira sa sementeryo

Nabatid kay Mirando na ginawa nila ito bilang paghahanda sa Undas at matukoy kung anong tindahan sa loob ng sementeryo ang nagtitinda ng alak at mga tulak ng droga sa lugar at mga wanted na nagtatago sa batas. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila South Cemetery

You May Also Like