“Oplan Baklas ng MPD at Comelec, inumpisahan na

By: Baby Cuevas

MAGKATUWANG na inilunsad ang “Oplan Baklas” ng Manila Police District (MPD) at Commission on Election (Comelec), laban sa campaign materials ng mga kandidato sa pagka-Senador at partylist na iligal na nakalagay sa mga poste ng Meralco at mga puno.

Dakong alas- 4:30 ng madaling araw nang pangunahan ni Comelec Chairman George Garcia ang Oplan baklas na nagsimula sa Kartilya ng Katipunan at dumiretso sa Palacio del Gobernador, San Marcelino, Apacible, Quirino Avenue, Roxas Blvd., at nagtapos sa Universidad de Manila sa Arroceros.

May 80 pulis-Maynila ang umasiste sa Comelec at ayon kay Garcia, mga election paraphernalia ng mga Senador at partylist ang target ng operasyon ay hindi mga kandidato sa local post dahil hindi pa sila sakop ng campaign period.


Nilinaw naman ni Garcia na ang.mga tinanggal na campaign materials ay iyong mga nakalagay sa ipinagbabawal na lugar.


Tags: Commission on Election (COMELEC, Manila Police District (MPD)

You May Also Like

Most Read