OPLAN ALIS GALIS… INILUNSAD NG ICRC

By: Victor Baldemor Ruiz

MAGKATUWANG na inilunsad ng Bureau of Jail Management and Penology Regional Office-National Capital Region (BJMPRO-NCR) at International Committee of the Red Cross (ICRC) ang kanilang ‘OPLAN Alis Scabies Drive’ sa Manila City Jail-Male Dormitory.

Ang kampanyang pinondohan ng International Committee of the Red Cross ay layuning matugunan at makontrol ang pagkalat ng scabies na isang uri ng skin disease gaya rin ng ‘boils’ o pigsa na pangkaraniwan sa mga siksikang kulungan sa bansa.


Katuwang ng MCJ Male Dorm ang International Committee of the Red Cross para mapahusay ang kalagayan ng mga PDL at mga pasilidad ng piitan.

Ang programa ay tatagal Hanggang Disyembre 10 kasama ang post-treatment, follow-up checkup para matiyak na kumpleto at matagumpay na maaalis ang problema sa galis sa mga nakakulong sa city jail.

Kabilang sa mga aktibidad ay ang paglilinis o disinfection sa mga selda, higaan at mga gamit ng mga PDL para makontrol ang pagkalat ng impeksyon at mass scabies treatment program para tugunan ang problema sa sakit sa balat ng mga person deprived of liberty.


Kabilang sa mga nakiisa sa gawain sina JSSupt Faridah P Ali, MD, Jail Director Officer-In-Chief, Directorate for Health Service, Jail Sr.Supt Roger D Antonio, MPM, Assistant Regional Director for Administration, Jail Supt. Lino M.Soriano, Manila CJ-MD Warden, at Dr. Zharlah Gulmatico-Flores, FPDS, MMPHA, Chief, Medical Professional Services, National Skin Center-JRRMMC at mga kinatawan mula sa ICRC.


Tags: Bureau of Jail Management and Penology Regional Office-National Capital Region (BJMPRO-NCR)

You May Also Like

Most Read