Latest News

Opisyal ng LTFRB, iimbestigahan ng NBI

By: Baby Cuevas

Ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Jeff Tumbado, dating executive assistant ng sinuspindeng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRb) chairman Teofilo Guadiz III, na binawi ang kanyang naging pahayag na korupsiyon sa ahensiya.

Ito ang kinumpirma ni Nick Suarez , hepe ng Public Information Office ng NBI.

Kaugnay nito unang sinabi ni
Justice Secretary Jesus Crispin na makikipag -ugnayan ang DOJ sa NBI kaugnay sa nabanggit na isyu.


“Merong anti-graft desk sa NBI. Usually ‘yan moto propio. Pinupuntuhan yan ng agents ng NBI. But we will remind them,” ani Remulla sa media briefing.

“I think Usec. Dulay will be the one to talk to the NBI to go after this LTFRB case and to interview the assistant of the chairman of the LTFRB,” dagdag ni Remulla.


Magugunita na sinabi ni
Tumbado na nagdeliber si Guadiz ng perang galing sa korupsiyon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

Sinabi pa ni Tumbado na may 2Congressman ay tumanggap ng koleksiyon na P5 milyon mula sa transaksiyon sa pagbubukas ng bagong ruta at prangkisa.


Gayunman, binawi ni Tumbado ang pahayag at sinabi niyang “borne out of impulse, irrational thinking, misjudgment, and poor decision-making.”

Sinabi pa ninTumbado na ang sinumpaang salaysaybay isang porna ng “public apology” kay Guadiz at Bautista, Department of Transportation, at Office of the President.

Tags: Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III

You May Also Like

Most Read