Latest News

OPINYON NG SC SA BOTOHAN NG PAG-AMYENDA SA KONSTITUSYON, HINILING

By: Philip Reyes

Dapat ba na magkasabay o hiwalay ang botohan ng Kamara at Senado sa usaping may kinalaman sa pag-amyenda sa 1987 Constitution?

Ito ang inihihingi ngayon ng linaw mula sa Supreme Court (SC), sa pamamagitan ng isang petisyon na inihain ni Senator Robin Padilla, chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Napag-alaman na dumulog si Padilla para sa “authoritative declaration” ng SC, kung dapat ba na bumoto nang sabay ang Kongreso o magkahiwalay.


“Inaamin na po ng mga nagsagawa, sumulat ng Constitution… sinasabi na po nila na talagang nagkulang sila sa usapin na ‘yun, na dapat ‘yun ay voting separately,” ani Padilla sa ambush interview.

“Kaya sana po, sa wisdom po, sa tinatawag nating maliwanag na pag-iisip ng ating mga hukom, mabigyan na po nila. Hindi po tayo humihingi ng advice, humihingi po tayo ng resolba, nakikiusap po tayo sa Mataas na Hukuman na i-resolba na po nila itong away na ito,” dagdag pa nito.


Kung hindi umano magkakaroon ng malinaw na deklarasyon ang SC ukol sa isyu ay maaring umiral ang ‘unstable relationship’ sa pagitan ng Kamara at Senado.

Nito lamang Pebrero 2024 ay nagpasa ng resolusyon si Padilla para sa pagkakaroon ng hiwalay na botohan ng Kamara at Senado.


Tags: Senator Robin-Padilla

You May Also Like

Most Read