Latest News

Operasyon ng LRT-2, nalimitahan dahil sa sunog sa residential area

By: Anthony Quindoy

Nalimitahan ang biyahe ng mga tren ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) bunsod ng isang sunog na sumiklab sa isang residential area na malapit sa isang istasyon ng tren sa Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkules ng hapon.

Sa abiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), nabatid na pansamantalang nagpatupad ng provisionary service ang LRT-2 mula Legarda Station hanggang sa Antipolo Station at pabalik, dahil sa sunog, na malapit sa Recto Station.


“Pansamantalang nagpapatupad ng provisionary service ang LRT-2 dahil sa sunog malapit sa Recto Station,” anang LRTA. “Ang biyahe ng tren ay hanggang Legarda Station hanggang Antipolo Station at pabalik.”

Nabatid na ang sunog ay sumiklab dakong alas-3:11 ng hapon sa isang residential area sa tapat ng Isetan Recto sa Sta. Cruz.

Pagsapit ng alas-3:46 ng hapon ay itinaas na ang sunog sa ikalimang alarma at patuloy pang inaapula habang isinusulat ang balitang ito.


Inaalam pa rin ng mga imbestigador ang pinagmulan ng apoy gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.


Tags: Light Rail Transit Line 2 (LRT-2)

You May Also Like