Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Martes ng gabi pansamantalang isinarado ang Outpatient Department (OPD) ng Ospital ng Cabuyao sa Cabuyao City, Laguna matapos na magpositibo sa COVID-19 infections ang ilang health care workers nito.
Ayon sa DOH, nakumpirma nila sa pamamagitan ng National Patient Navigation at Referral Center at Center for Health Development 4A, na ang OPD ng Ospital ng Cabuyao ay pansamantalang isinara simula noong Lunes, Hulyo 11 matapos na magpositibo sa COVID-19 ang anim na staff nito.
Kaagad naman umanong pinagkalooban ng kaukulang lunas at pangangalaga ang mga pasyenteng health workers.
Pansamantala ring inilipat ang konsultasyon ng mga pasyente sa emergency room (ER) ng pagamutan.
Isinasailalim rin anila naman kaagad sa disinfection ang OPD at binuksan nang muli ngayong Miyerkules, Hulyo 13. (Philip Reyes)














