Si Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Carlito G. Galvez, Jr. ang inatasan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. upang kumatawan sa Pilipinas sa gaganaping Ukraine Peace Summit sa Switzerland.
Una nang kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang ang paglahok ng Pilipinas sa gaganaping summit ngayong June 15 hanggang June 16 makaraang bumisita si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy kay PBBM.
Inihayag naman ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na nakipagpulong siya kay Pangulong Marcos para personal itong maimbitahan na lumahok sa taunang Global Peace Summit sa harap ng pagsusulong ng mapayapang pagresolba sa Russia-Ukraine war.
Sorpresa rin itong nagpakita sa Shangri-La dialogue kamakailan para hingin ang suporta ng mga bansa sa Asya sa paparating na peace summit.
Nauna nang nagpahayag ng suporta si PBBM sa mapayapang pagwawakas ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.