Latest News

OOTD NI MARIS SA ASAP COURTESY OF UKAY-UKAY

NI BETH GELENA

HINDI ikinahihiya ni Maris Racal na bumibili siya ng damit sa ukay-ukay.

Ibinida pa nga ng young singer-actress ang kanyang dress na nabili niya sa ukay-ukay sa halagang P50.

Sa kanyang Instagram stories, may pinost na video si Maris na may nakita raw siyang colorful na damit sa ukay-ukay outlet sa Baguio.

Aniya: “Ate, sandali. my 50-peso ukay ukay dress that i found in Baguio made it to #ASAP.”

Sabagay, napanood namin ang ASAP last Sunday, ang OOTD ni Maris that day ay isang colorful dress na bagay sa kanya at fit na fit.

Na-appreciate ng netizens ang ibinahaging video ni Maris.

“50-peso dress but looks expensive on you, I admire your wise-buying decision Maris.”

“This is the most beautiful dress and perfectly look so good on you. I can’t believe you found this from a second hand store.”

Tags:

You May Also Like

Most Read