ONLINE SEX EXPLOITATION SUSPECTS NA PINAGTATALIK ANG MAGKAPATID, MAG-INA AT MAGPINSAN, PINAKASUHAN NG NBI

By: JANTZEN ALVIN

Pinasampahan ng kaso ng National Bureau if Investigation -Violence Against Women and Children Division (NBI-VAWCD) ang magkapatid na babaeng sangkot sa kasong online child exploitation and abuse makaraang madakip ang mga ito noong Agosto 2 ,2024 sa Caloocan City.


Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, ibinulgar ng dalawa sa anim na menor de edad na biktima na nasagip ng NBI na puwersahan silang pinagtatalik na magkapatid , magpinsan at ina sa anak.

“Interview with the minor victims revealed that they were not only shown naked on camera but they were also forced to perform sexual acts with one another, sibling to sibling, cousin to cousin, mother to son/daughter while on camera and being viewed live by foreigners,”ayon kay Santiago.

Ang ibinulgar ng mga biktima ay nakumpirma matapos ang isinagawang eksaminasyon ng medical legal doctors ng NBI, kung saan kinakitaan ng mga bago at lumang abrasion sa pribadong pag-aari ang mga batang biktima.


Lumitaw rin sa Initial Digital Forensic reports na mahigit 100 Child Sexual Abuse and Exploitation Materials (CSAEM) at sexual chat conversations ang nadiskubre sa cellular phones ng mga suspek sa pagitan ng mga dayuhan .

Naaresto ang magkapatid na facilitators sa entrapment operation sa bisa ng Warrant to Search, Seize and Examine Computer Data (WSSECD) sa Caloocan City.


Ayon kay Santiago, nakipag-ugnayan sa NBI ang kanilang foreign counterparts at nagbigay ng impormasyon kaugnay sa pagkakasangkot ng dalawang Filipino facilitator na sangkot sa sexual exploitation ng kanilang mga anak online.

Diumano, isa sa facilitators ang direktang nakikipag-usap sa mga dayuhangparukyano, habang ang isa naman ang umaaktong taga -produce ng Child Sexual Exploitation and Exploitation Materials (CSAEMs).


Sa pamamagitan ng isinagawang surveillance operations, nalaman ng VAWCD kung saan nakatira ang dalawang facilitator at ang.kanilang mga tunay na pangalan.

Nitong Agosto 2 ay nakakuha ang VAWCD ng WSSECD sa RTC Family Court Branch 1 ng Caloocan City at kaagad ikinasa ang isang entrapment operation at nasagip ang mga menor de edad na ibinebenta online.

Ang magkapatid ay nahuli sa aktong iniaalok ang kanilang mga anak para mag- perform ng “explicit shows” kapalit ng pera kaya sila inaresto.



Kabilang sa nasagip ang 14-anyos na babae at lalaki, 10-anyos na dalagita, pitong- anyos na dalagita, dalawang-taong gulang na batang babae at dalawang- buwan na sanggol na babae.

Samantala, ang mga suspek ay sinampahan ng multiple counts ng paglabag sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) o Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) sa ilalim ng RA 11930, Qualified Trafficking under RA9208 as amended by RA11862, Child Abuse law under RA7610 at Rape sa pamamagitan ng sexual assaults sa ilalim ng RA 8353 as amended sa Department Justice(DOJ).

Tags: National Bureau if Investigation - Violence Against Women and Children Division (NBI-VAWCD)

You May Also Like