Latest News

Online seller, tiklo sa droga

ISANG 31-anyos na online seller na target ng operasyon , kabilang ang tatlo pa, ang dinakip ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District , makaraang isagawa ang buy-bust operation sa Sta.Cruz, Manila.

Kinilala ni P/ Lt.Col. John Guiagui , Commander ng MPD- Sta.Cruz Police Station 3, ang suspek na si Richard Dela Cruz aka “Yeye” binata, online seller , kaanib ng Commando Gang at residente ng Block 9 lot 14 San Hilarion St., Brgy.18 Tondo, Manila.

Samantala , binitbit din ang umano’y kasabwat nito sa iligal na droga na sina Zenaida Mendez, 45 ; Mc Mandar, 23 at Felizardo Quiton, 45.

Ayon kay P/ EMS Rommel Rey , team ” Swabe” at lider ng SDEU , bandang 6:30 ng gabi nitong nakaraang Marso 8, nang ikasa nila ang isang buy-bust operation sa Claro M Recto Avenue malapit sa Oroquieta Street sa Sta.Cruz.

Una na umanong nagsagawa ng pagmamanman ang mga tauhan ng SDEU sa lugar at nang makumpirma ang umano’y bentahan ng droga, isa sa mga awtoridad ang tumayong buyer.

Nang magkaabutan na shabu kapalit ng ginamit na marked money, dito na sila dinamba ng mga operatiba.

Nakasamsam ng apat na bulto ng hinihinalang shabu na tumitimbang sa 16 gramo at may street value na P108, 800..

Ang apat na suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drug sAct of 2002). (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read