TINIYAK kahapon sa publiko ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na agad nilang ipatutupad ang direktiba ni Presidente Rodrigo Duterte na pagpapatigil sa operations ng e-sabong sa buong bansa.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo M. Año, ang desisyon ng Pangulong Duterte ay sumusuporta sa ginawang pag-aaral ng DILG hinggil sa situation on the ground at maging ang kanilang nationwide public survey na nagpapakita sa tunay na pulso ng mamamayan hinggil sa online sabong.
“The DILG welcomes the President’s decision to stop e-Sabong. Government policies must take heed of the pulse of the people. This decision is rooted in a survey reflecting the sentiment of the people. Hindi ito bara-bara na desisyon,” ani Sec. Año.
“The President’s decision based on public sentiment against on-line gambling is a sign of the responsive governance of his administration. It serves the common good and the preservation of the moral fabric of our society,” dagdag ng kalihim.
Subalit napag alam na tuloy pa rin ang operasyon ng mga traditional physical o aktuwal na sabong basta makakatugon sa sa minimum public health standards (MPHS) sa ilalim ng pangangasiwa ng mga local government units (LGUs).
Ayon pa sa kalihim , inatasan na niya ang Philippine National Police at mga LGUs na ipatigil na ang lahat ng e-Sabong operations sa buong bansa.
Sinabi pa ni Año, na ang DILG, sa pamamagitan ng kanilang regional at field offices, ay nagsagawa ng survey na may mga respondents sa mga siyudad at bayan sa buong bansa.
Lumilitaw umano na na may 8,463 respondents ang sumagot sa online sentiment survey ng DILG mula April 19-20, 2022 para masukat ang public perceptions sa e-Sabong at mabigyan ang Presidente ng basehan sa kanyang magiging desisyon hinggil sa kahihinatnan ng e-Sabong.
Based on the survey results, 62% or a majority of those surveyed want to put a stop to e-Sabong, which became prominent during the community quarantine in the last two years of the pandemic, 34% want it to continue but with tighter regulation while 4% completely support it.
“The DILG recommended suspending the operations of e-Sabong until a better set of framework and regulations are formulated, in such a way that it will not significantly harm any of the stakeholders and and lead to the moral decay of society,” he said in the report to the President.
Hanggang March 8, 2022, may anim na companies ang pinayagan ng PAGCOR na magsagawa ng e-sabong operations simula April 2021.
“Nakakalungkot sabihing mag-iisang taon na po mula nang mawala ang 31 e-Sabong cockfighters. Kaya tama at napapanahon ang pagtigil sa e-Sabong. It has become a target of illegal schemes like kidnapping and corruption,” ayon sa tagapagsalita ng kagawaran Jonathan Malaya.
“Nagiging ugat pa ito ng tukso sa mga kabataan o menor de edad na nakagawa ng krimen para lang may pang pusta sa e-Sabong. Marami itong repercussion sa ating lipunan kasama na ang mental health issues at ang pagkasira ng mga pamilya. May isa ngang inang napabalitang ibinenta ang kanyang sanggol para may pangpusta. Ganito ito kalala. Panahon na para tuldukan ito,”ani Malaya. (VICTOR BALDEMOR)














