Online Lending Collection scammer, arestado sa NBI

By: JANTZEN ALVIN

Inaresto ng National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI- NCR) ang babaeng pangunahing suspek sa “Online Lending Collection Scam”, kamakailan sa Suniway, Brgy. 76, Pasay City.


Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si Mi Duan,alyas Ms.Lucky na nangangasiwa sa mga sangkot na establisimiyento na PHILVEST SOLUTIONS at 24H PESO.

Sa pamamagitan ng Personal Information Controller,nagagawa umano ng mga naturang entities na makapangikil ng pera sa mga borrowers at kliyente, gamit ang mapanlinlang at pamimilit na methods.

Kasama umano sa iligal na aktibidad ang hindi awtorisadong pag- proseso sa personal at sensitibong impormasyon para ma- contact ang borrowers, clients at nagki-claim ng ” outstanding debts” sa pamamagitan ng pagbabanta at pananakot.


Ayon kay Santiago, ginagamit ng suspek ang personal at sensitibong impormasyon ng mga borrowers, clients, at iba pang nasa contact list para sirain ang reputasyon i-harass at bantaan ang kanilang mga biktima.

Naaresto ang suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng Pasay Regional Trial Court .


Kabilang sa nakumpiska ng NBI ang 33 units ng smartphones, 32 units ng computers ,1 laptop, l00 USB naglalaman ng CCTV footage,1 set ng Visionary Lending Inc. documents at 1 set ng contracts of lease.

Samantala, ang suspek ay sinampahan ng kasong Section 25 ng RA 10173 in relation to Section 6 of RA 10175 and Section 4(a1) ng RA 10175 kilala bilang “An act protecting individual personal information in information and communication systems in the government and the private sector, creating for this purpose a National Privacy Commission and for other purposes” sa Pasay City Prosecutors Office.


Tags: National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI-NCR)

You May Also Like