Online illegal gambling operators, kinasuhan ng NBI

By: JANTZEN ALVIN

Sinampahan ng kaso ng National Bureau of Investigation – Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD) ang apat na opisyal at empleyado ng apat na kumpanyang nasa.likod diumano ng operasyon ng iligal na online gambling.


Kabilang sa kinasuhan ng NBI-AVAWCD sina Karlos Naidas,Homer Nieverra,May-I Padilla,Nina Rita Cinvhes at Enrico Español ng Blockchain Smart Tech Co. I.T. Consultancy; Jose MarinSaulo ng GlobalComRCI International at Luke Wingfield Digny ng Paymero Technologies Limited.

Ang operasyon ay nag-ugat sa reklamo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) laban sa mga nabanggit na kumpanya kaugnay sa website na www.pakilotto.com (Pakilotto), gamit ang pangalan at logo ng PCSO sa kanilang online games, nang walang awtorisasyon mula sa PCSO.

Napag-alaman na ang Pakilotto ay hindi awtorisado na mag-solicit at tumanggap ng pusta mula sa publiko.


Sa isinagawang Open Source Intelligence (OSINT) ng NBI-Digital Forensic Laboratory (NBI-DFL), nadiskubre na ang Pakilotto ay isang iligal na online gambling at kumukolekta ng pusta sa publiko

Nadiskubre rin na ang Pakilotto ay nagbo-broadcast ng kanilang video feed mula sa www.pcso.gov.ph/livestream.aspx.


Sa isinagawang imbestigasyon ng NBI-AVAWCD, ang Pakilotto ay wala na at ang link ay nasa ilalim na ng sukilotto.com.

Gayundin, nadiskubre na ang kumpanyang Eplayment Corporation (Eplayment), Blockchain Smart Tech Co. I.T. Consultancy (Blockchain), GlobalComRCI International (GlobalComRCI) at Paymero Technologies Limited (Paymero) ang mga kumpanya na nasa likod ng Pakilotto at may Service Level Agreement (SLA) sa pagitan nila.


Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 1169 (An Act Providing for Charity Sweepstakes, Horse Races, and Lotteries), as amended at paglabag sa P.D. 1602 (Anti-Gambling Law) as amended by R.A. 9287, in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) sa Mandaluyong Prosecutors’ Office,ang mga suspek.

Tags: National Bureau of Investigation-Anti-Violence Against Women and Children Division (NBI-AVAWCD)

You May Also Like

Most Read