Latest News

ONGOING DAW… 3 PULIS PATAY, 4 WIA

By: Victor Baldemor Ruiz

MABILIS na kumilos kahapon ang mga tauhan ng Philippine Army at Philippine Air Force para saklolohan ang mga tauhan ng Philippine National Police na inulat na napapalaban sa armadong ‘lawless element group’ sa Sta. Margarita sa lalawigan ng Samar.

Kasalukuyang bina-validate ang initial report na may tatlong tauhan na ng PNP ang napatay habang may apat na wounded in action kaya agad na kumilos ang mga tauhan ng military para sumaklolo.

Sinasabing nakasagupa ng mga pulis ang Ampoan Private Armed Group sa Brgy Mahayag, sa bayan ng Sta. Margarita kahapon.


Samantala, dalawang New People’s Army naman ang napaslang ng militar at isa ang nadakip nang nakasagupa nila ang mga tauhan ng Army 4th Infantry Division sa Agusan Norte

Napag-alamang patuloy na tinutugis ng 4ID ang mga nalalabing communist terrorist group (CTG) sa Agusan del Norte kung saan umaabot na sa siyam na CPP-NPA Terrorists (CNTs) ang napatay nitong nagdaang lingo.

Kahapon, ayon kay Major Francisco Garello Jr., ang tagapagsalita ng 4ID, ay nasabat ng tropa ng 23rd Infantry (Masigasig) Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Jeffrey Balingao, ang grupo ng Platoon 2 , Sub-Regional Sentro De Gravidad (SRSDG) Sagay, Sub Regional Committee 3 (SRC3) ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) sa Sitio Kipundaw, Brgy. Sangay, Buenavista, Agusan del Norte.

Bukod sa dalawang napatay at isang nahuli matapos na abandonahin ng mga kasamahan ay nabawi din ng military ang dalawang high-powered firearms,, isang M16 rifle at isang M14 rifle.


Tags: Philippine Air Force, Philippine Army

You May Also Like

Most Read