Kapwa nagpakita ng pagbaba ang isang linggong growth rate at reproduction number ng COVID19 sa Metro Manila.
Ito ay base sa huling monitoring ng OCTA Research Group kung saan umaasa ang OCTA na maabot na ang rurok ng kaso sa malapit na hinaharap.
Sinabi ni Octa fellow Dr. Guido David na bumaba sa 14% ang COVID19 growth rate nitong Agisto 2 mula sa 21% na naitala noong Hulyo 26 habang ang reproduction number ay bumaba sa 1.24 noong Agosto 2 mula sa 1.33 noong Hulyo 26.
Ayon kay David, nanatiling mababa ang healthcare utilization rate (HCUR) sa National Capital Region kaya nanatiling nasa moderate risk sa COVID-19.
“There is again hope that cases will peak soon. HCUR remained low. NCR is still under moderate risk. Let us all stay safe!”ayon sa Twitter post ni David.
Gayunman, sinabi ng OCTA, na ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila ay tumalon sa 16.9% mula sa 15.5%.














