NAKAALERO ang Department of Health (DOH) matapos maitala sa bansang Thailand ang unang kaso ng COVID variant na ‘Omicron XE.’
Ayon sa DOH, patuloy silang nakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) upang malaman kung ito ba ay subvariant lang ng Omicron o bagong variant.
“The Department of Health (DOH) is in constant coordination with the World Health Organization (WHO) regarding the reported ‘Omicron XE‘ detected in Bangkok, Thailand,” saad ng DOH sa kanilang statement.
“Observation and monitoring are still ongoing on whether the variant would be categorized as a sub-variant of Omicron or a new variant to be named by WHO should it display any significant change in characteristics,” dagdag pa nito.
Ginagarantiya naman ng ahensya sa publiko na patuloy silang nakamanman sa mga kaganapan pagdating sa banta ng COVID-19.