Omicron XE, mararamadaman sa Mayo sa Pilipinas

NAGBABALA ang Philippine College of Physicians (PCP) na posibleng makapasok na at maramdam sa bansa ang Omicron XE sub-variant sa Mayo .

Sinabi ni PCP president Dr. Maricar Limpin na ang mababang booster shot coverage ay nakakaalarma.


“Ang iniisip natin baka mga May tumaas dahil possible na baka pumasok dito Omicron sub-variant at pangalawa, medyo matumal ang booster,” ani Limpin.

Ayon kay Limpin ,bumababa na ang immunity ng mga taong nakakumpleto ng dalawang doses ng COVID 19 vaccines at sila ay bantad na sa coronavirus infection.

Sa pinakahuling datos mula sa
Department of Health (DOH) nasa 12.2 milyon indibiduwal lamang ang nakatanggap ng kanilang booster shots at may 66.2 milyon filipino o 74% ng 90 milyon populasyon target ng gobyerno na mabakunahan ang fully vaccinated.


Sinabi ni Limpin na sa kabila nang walang nakikitang pagtaas ng kaao ng COVID19 posibleng magkaroon muli ng surge kapag nakapasok ang Omicron XE na mas nakakahawang sub variant.

“Ang ineexpect Ang ineexpect natin sa dami ho ng taong nakalabas, tapos syempre ‘yung kampanya ngayon na nagyayari sa’tin, so ineexpect natin na kung makapasok dito yung bagong variant then definitely baka magkaron tayo ng muling pagtaas ng kaso,” dagdag ni Limpin. (Philip Reyes)


Tags: Philippine College of Physicians (PCP)

You May Also Like