Malaki umano ang posibilidad na nakapasok na sa bansa ang Omicron subvariant XBB dahil sa “open borders”.
Ayon kay infectious diseases expert Dr.Rontgene Solante at aniiya,ito rin umano ang posibleng dahilan kung bakit nanatiling nasa 2,000 kaso kada ng COVID-19 ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
“Hindi natin ma-rule out ‘yan kasi unang-una, ang mga tine-test natin ngayon for sequencing, hindi na ganoon karami ang mga samples. Pangalawa, we have an open border. We have daily flights with Singapore,” ani Solante.
Ayon kay Solante may posibilidad lamang na nakapasok na sa bansa dahil hindi pa naman ito nadi detect sa Pjilippine Genome Center(PGC).
Nilinaw ng Department of Health(DOH).na hindi pa naman na detect ang XBB na recombinant ng BJ.1 (BA.2.10.1 sublineage) at BM.1.1.1 (BA.2.75 sublineage).
Ayon.sa inisyal na pagaaral lumalabas na ang XBB sublineage ay nagpapakita naa ang XBB ay mas mataas ang “immune invasion” kesa sa BA.5;%, at nasa ilalim ng
Omicron subvariants na mino -monitor n6 World Health Organization (WHO), gaya ng BA.5, BA.2.75, BJ.1, BA.4.6, atBA.2.3.20.
Nitong Oktubrr 11 ang Singapore Ministry of Health ay dumaranas nang pagtaas sa kaso ng COVID19 at nakakaranas ng pagtaas ng kason ng COVID19 dahil sa XBB.
Sanhi nito,pinayuhan ni Solante ang publiko na patuloy na sumunod sa minimum public standards gaya ng pagsusuot ng facemask sa mga indoors.
Nalaman na nitong Sabado ay nakapagtala ang DOH ng 2,367 bagong kaso COVID-19 habang nasa 26,404,ang aktibong kaso.














