Omicron subvariant, nadagdagan pa

Inihayag ng Department of Health (DOH) na sa 211 sample na sequence nitong Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 ng University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH); 43 ang BA.5 ;20 ang BA.2.12.1 at 7 ang BA.4 na Omicron subvariant sa bansa.

Sa kabuuan, may 190 sample ang nag-positibo sa Omicron Variant of Concern, kung saan ang lahat ng sublineages ay 90.5% habang 21 samples ang walang lineage naka- assign.

Sa 190 kaso,185 ang lokal na kaso at 5 ang Returning Overseas Filipino (ROF habang sa 43 BA.5 kaso , 16 ng 20 BA.2.12.1 at 7 nv BA.4 cases ay lokal, at ang 4 BA.2.12.1 at 1 BA.5 case ay ROFs.


Sanhi nito, umabot na sa 7,919 ang kumpirmadong kaso ng Omicron.

Gayunman sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire ng Public Health Services Team nananatili na ang hospital bed utilization sa bansa ay mababa at walang naitalang nasawi sa mga nasuring positibo sa Omicron sub-variants. (Philip Reyes)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read