Omicron BA.2.12.1, walang lokal na transmission

HINDI umano nagkaroon ng lokal na transmisyon ng Omicron BA.2.12.1 sa bansa.

Ito ang inihayag ni Dr. Edsel Salvana, na miyembro ng Department of Health-Technical Advisory Group kung saan sinabi nito na wala pa silang nakikitang anumang indikasyon na nagkakaroon na ng local transmission ng Omicron subvariant na BA.2.12.1 sa bansa.


Sa kabila nito,sinabi ni Salvana na hindi niya inaalis ang posibilidad pa rin naman na magkaroon ng lokal na transmisyon ng Omicron BA.2.12.1 sa bansa.

“Sa ngayon walang indication ‘yan kasi — I mean it’s possible lalo na ang bilis manghawa ng Omicron,” ani Salvana.
“But usually para masabi namin na meron nang local transmission, lalo na ‘yung tinatawag na sustained local transmission, tinitignan natin ‘yung transmission chains niyan at makikita natin kung matre-trace ba natin,”dagdag nu Salvana.

Ayon kay Salvana , ang 12 kaso ng BA.2.12.1 sa Palawan ay malinaw na single cluster lamang habang ang dalawang kaso naman sa Metro Manila ay iniimbestigahan pa.


Sabi pa ni Salvana, ang mga bagong kaso ng subvariant ay mayroon lamang mild na sintomas ng sakit habang ang iba ay asymptomatic o walang nakikitang sintomas.

Ito umano ang patunay na talagang patuloy tayong napuprotektahan ng bakuna.


Sinabi ni Salvana sa publiko na hindi na mararanasang muli sa bansa ang naganap noong nagsisimula pa lamangang pandemya dahil na rin sa mataas na vaccination rate ng Pilipinas.

Napilitan lamang na mag-lockdown ang pamahalaan dahil walang immunity ang populasyon.


Sanhi nito,muling hinikayat ni Salvana ang publiko na magpa-COVID 19 vaccine at booster shot. (Anthony Quindoy)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read