Latest News

OIL SPILL MULA SA LUMUBOG NA TANKER, SISIRA SA MARINE SANCTUARIES

NAGKUKUMAHOG ngayon ang Philippine Coast Guard na inaayudahan na ng Philippine Air Force at Philippine Navy para mahanap ang lumubog na oil tanker na may kargang 800,000 liters ng industrial fuel dahil nagsimula ng kumalat sa dagat ang tumatagas na oil cargo.

Nabatid sa Philippine Coast na tuluyan nang lumubog ang MT Princess Empress na nagmula sa lalawigan ng Bataan at papunta sana ng Iloilo province ng magka diperensya ang makina nito at lumubog sa bahagi ng Oriental Mindoro.

Sa isinagawang aerial survey ay sinasabing umaabot na sa 60 kilometro ang oil spill na nangangahulugan umano na hindi lamang krudo na gamit ng tanker ang tumatagas kung hindi maging ang karga nitong industrial fuel.


Base sa Philippine Coast Guard (PCG) na lumawak na oil spill na namataan nasa 60-kilometer lawak sa pagitan ng bayan ng Naujan at Bongabong, ayon kay Ram Temena, Oriental Mindoro disaster operations chief.

Ayon kay Temena; “We have many fish sanctuaries along the coast,” Pinangangambahan na sirain umano ng tumapon langis ang may 21 marines protected areas.


“It could have a huge impact due to the possibility that the oil could attach to the coral reefs, affecting marine biodiversity.”

Kahapon ay nagsimula ng maglinis sa dalampasigan ang mga kasapi ng Bantay Dagat sakop ng Barangay Tagumpay, Pola, Oriental Mindoro.


Nabatid na naobserbahan na ang oil spill stranding sa limang barangay ng Pola-Tagumpay, Misong, Buhay na Tubig, Bacawan at Calima, ilang araw matapos na lumubog ang motor tanker.

Ito’y matapos na kumpirmahin ng Philippine Coast Guard na tuluyan nang lumubog ang MT Princess Empress na tanker na tumaob noong Martes dahil sa engine trouble.

Nagdadala ang MT Princess Empress ng 800,000 litro ng industrial oil mula Bataan patungong Iloilo nang ito ay naanod patungo sa Balingawan Point dahil sa maalon na kondisyon ng dagat.

Sinabi ng coast guard na bubuo ito ng crisis management committee habang nagpapatuloy ang oil spill assessment at response operation.

Nauna nang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na binabantayan din nila ang sitwasyon sa naturang karagatan.

Bukod sa BRP Melchora Aquino, sinabi ng Philippine Coast Guard na idineploy din nito ang BRP Habagat para magsilbing marine pollution platform upang antabayanan ang oil spill na maaari pang patuloy na lumawak.

Target ng coast guard na maisalin o mapigilan ang patuloy na pagtagas ng langis kaya puspusan ngayon ang ginagawa ng paghahanap sa lumubog na tanker. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Philippine Coast Guard

You May Also Like