Latest News

Ogie Diaz, inindorso si Bam Aquino para senador

By: Beth Gelena

OPISYAL na inindorso ng entertainment reporter at talent manager na si Ogie Diaz ang kandidatura ni dating senator at independent candidate na si Bam Aquino bilang senador sa darating na halalan sa Mayo.

Sa kanyang YouTube show na Ogie Diaz Showbiz Update, inihayag ni Diaz na si Aquino ang isa sa tatlong kandidatong senador na kanyang sinusuportahan.


“Heto, hindi ako magbabanggit ng twelve. Basta yung ilan sa kanila, yung iba kasi understood na. Si Bam Aquino, si Kiko Pangilinan, si Heidi Mendoza na dating COA commissioner,” say ni Ogie.

“Iyan, matitino ‘yan, ako na nagsasabi sa inyo, matitino yang tatlo na ‘yan,” dagdag pa ni Ogie, na sinuportahan din ang kandidatura ni Bam noong 2019.

Sumang-ayon naman sa kanyang napili ang co-hosts ni Ogie na sina Mama Loi Villarama at Tita Jegs, na nagsabing iboboto rin nila sina Aquino, Pangilinan at Mendoza.


Bukod kay Ogie, may mahabang listahan supporters na celebrities, influencers at musicians si Bam tulad nina Dingdong Dantes, Edu Manzano, Janno Gibbs, Jolina Magdangal, Marjorie Barretto, Bea Binene, Rita Avila, Bea Saw, Niccolo Cosme, Arman Ferrer, Pia Magalona, Ayrin Villamor, Direk Ayrin Villamor, Alex Medina, Inah Evans, AC Soriano, Alex Calleja. Chef Jeng Flores, at Bodjie Pascual.

Nakakuha rin ng suporta si Aquino mula sa mga singer na sina Mark Escueta, Bayang Barrios, Arkin Magalona, Elmo Magalona, Nica Del Rosario, Jim Paredes, Mitch Valdez, Celeste Legaspi, Maysh Baay of M88, TNT Jex De Castro, The CompanY, Jep Go, Phi Palmos, Gab Pangilinan, and Nica del Rosario, at mga musikero mula sa industriya ng hip-hop, urban, at rock music, gaya nina DJ Medmessiah, Morobeats, Pio Balbuena, Chelsea Alley (dating Slapshock) at P-Pop girl group Yara.


Tags: Bam Aquino

You May Also Like