NILINAW ni Ogie Diaz na wala siyang galit kay Bea Alonzo.
Nag-sorry din siya kung may na-offend sila sa kanilang naibalita pero aniya, pwede naman silang i-unfollow.
Si Ogie ang isa sa unang nagbalita tungkol sa hiwalayan nina Bea at Dominic Roque.
Sinabi kasi ng ex-couple sa inilabas nilang statement hinggil sa kanilang break up na wala silang consent sa pagkumpirma ng iba tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Hindi kasi agad nagsalita ang dalawa ngunit maging si Boy Abunda ay kinumpirma ang tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Paglilinaw ni Ogie: “Wala po akong galit kay Bea, feeling lang ‘yun ng iba. Sorry po sa mga na-offend sa mga ibinabalita namin. You can unfollow naman anytime, wag nang magpaalam. Socmed mo, hawak mo, desisyon mo.”














