OFWs, hinikayat ng CBCP na bumoto sa 1-buwang overseas absentee voting (OAV)

HINIMOK ng isang opisyal ng Catholic Bishopsโ€™ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ibaโ€™t ibang bansa na bumoto at makiisa sa isang buwang overseas absentee voting (OAV) na isinasagawa na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 9 national and local elections.

Sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng CBCP โ€“ Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, hindi dapat sayangin ng mga OFWs ang kanilang kapangyarihan na bumoto at maghalal ng mga bagong lider ng bansa.


Ayon pa kay Santos na isa rin CBCP Bishop Promoter ng Apostleship of the Sea / Stella Maris โ€“ Philippines, dapat samantalahin ng mga OFWs ang isang buwang Overseas Voting na itinakda mula April 10, 2022 hanggang Mayo 9, 2022.

โ€œWe, at CBCP ECMI and Stella Maris, encourage our dear OFWs in their free time and make the best effort to go and vote from this April 10-May 9 in their respective embassies and consular offices. Always remember mayroon kayong K. Your vote is your Karapatan. Your vote is your Katungkulan. And your vote is your kinabukasan,โ€ panawagan pa ni Bishop Santos sa panayam ng church-run Radio Veritas nitong Lunes Santo.

Hinimok rin ni Santos, ang bawat botanteng OFW na isaisip ang kanilang sitwasyon at kapakanan sa pagpili ng mga lider na tutugon dito.


Iginiit ng obispo na dapat na piliin at ihalal ng mga OFW ang mga lider na tunay na magsusulong ng mga karapatan at dignidad ng mga manggagawa sa ibayong dagat; proteksyon sa kapakanan ng mga OFW; at magpaparusa sa sinumang mang-aabuso o magsasamantala sa mga Pilipinong manggagawa sa ibaโ€™t ibang bansa.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), aabot sa mahigit 1.6 na milyon ang bilang ng mga OFWs na rehistradong botante sa ibaโ€™t ibang bansa.


Alinsunod sa panuntunan ng Comelec para sa overseas voting, tanging national positions lamang naman ang kabilang sa kinakailangang ihalal ng mga botanteng OFW na kinabibilangan ng pangulo, pangalawang pangulo, 12-senador at isang party-list group. (Anthony Quindoy)


Tags: Catholic Bishopsโ€™ Conference of the Philippines (CBCP)

You May Also Like

Most Read