Latest News

OFW, arestado pagbaba ng eroplano

By: Baby Cuevas

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation – International Airport Investigation Division (NBI-IAID) ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) na galing sa Doha,Qatar noong Nobyembre 18,2022 sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) Terminal 3.

Ang suspek na si Orlando Delos Cientos ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Pasay City Regional Trial Court kaugnay sa kasong paglabag sa Section 5 (a) ng R.A. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) noong 2022.


Kaagad na inaresto ng mga ahente ng NBI ang suspek sa loob ng NAIA Terminal 3 paglapag ng sinasakyan niyong eroplano, matapos na makatanggap ng impormasyon na pabalik na sa bansa ang suspek.

Nakadetine sa NBI-detention Center ang suspek habang hinihintay ang order mula sa Pasay RTC.


Tags: National Bureau of Investigation – International Airport Investigation Division (NBI-IAID)

You May Also Like