OFFICE EQUIPMENT COMPUTERS, ISININGIT NG PPA

By: Victor Baldemor Ruiz

MAY red flag ang Philippine Ports Authority (PPA) ngayon nang sitahin ng Commission on Audit (COA) ang ginawang pagbili ng mga office equipment, furnitures, computer at computer software at mamahaling electronic gadgets na nagkakahalaga ng ?18 milyon.

Ang sinasabing dahilan, lumilitaw umano sa audit report ng COA na taong 2021 at 2022 ay isinama ng PPA ang desktop computer, laptops, camera, speakers at iba pa bilang bahagi ng kontrata sa dredging at infrastructure projects.


Lumilitaw sa pagsusuri ng COA na may 19 na kontratang ini-award noong nakalipas na taon na kinabibilangan ng mamahaling cellphone at tablets.

Paliwanag ng COA, hindi ito dapat isinama ng PPA bilang ‘reimbursable items’sa infra projects.

Giit ng COA na labis-labis at hindi kinakailangan ang ginawang ito ng PPA dahil lolobo lang ang halaga ng proyekto at magkakaroon ng oversupply ng mga kagamitan.


Pinayuhan ng COA ang PPA na itigil na ang pagsasama ng mga nabanggit na mamahaling gadgets sa infrastructure project at atasan ang mga contractor na huwag isama ang mga ito sa contract cost ng proyekto.

Kaugnay nito, hindi rin pinalagpas ng COA ang 166 na sasakyan ng PPA na nagkakahalaga ng ?219.8 million.


Ito ay dahil hindi umano rehistrado ang mga ito, walang plaka at walang official markings ng ahensya.

Babala pa ng COA na ang pagkakaroon ng mga hindi rehistradong sasakyan ay maituturing na ‘unauthorized use of government vehicles.’


Kamakailan ay sinita rin ng COA ang ginawang pagbili naman ng isang mamahaling luxury vehicle ang Philippine Coast Guard na ginastusan ng ilang milyon.

Tags: Philippine Ports Authority (PPA)

You May Also Like

Most Read