Latest News

OCTA nangangamba sa Alert Level 0

NAGPAHAYAG ng pangamba ang independent na OCTA Research Group na mas lalong bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna sa sandaling ilagay na sa Alert Level O ang Metro Manila at iba pang lugar.

“Kapag nasa Alert Level 0 na tayo, baka lalong wala nang magpabakuna,”ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.

Gayundin ,tutol pa rin ang OCTA Research Group na itigil na ang pagsusuot ng face masks laban sa COVID-19.


Kahit mababa na ang cases natin dito sa bansa, hindi pa ganoon kababa ang kaso sa buong mundo. Mayroon pa ring COVID-19 sa ibang panig ng mundo,”dagdag ni David.

Ang pahayag ay ginawa ni David nang ihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-uusapan na ng mga opisyal ng pamahalaan ang posibilidad na ilagay sa Alert Level 0 ang bansa.

“It is difficult to comment if we are ready for Alert Level 0 if we don’t know what it covers but if it means removing face masks, I think it is too early for that,” ayon kay David.

Samantala, ikinatuwa rin naman ni David na ang 598 bagong kaso ng sakit na naitala sa bansa nitong Biyernes ay mas mababa sa kanilang prediksiyon na 650.


Kabilang aniya sa mga bagong kaso ay mula sa NCR na nasa 149, Calabarzon na may 90, at Western Visayas na may 66 at ang national positive rate naman ay naitala sa 3.3%. (Anthony Quindoy)

Tags:

You May Also Like

Most Read