Nasa 3.3%, na lamang ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) hanggang nitong Hulyo 22, 2023.
Batay sa ulat ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, ito ay mula sa dating 4% noong Hulyo 15.
Npag-alaman na nakapagtala na rin ng low positivity rates ang ilang lalawigan sa Luzon, kabilang ang Batangas, Bulacan, Cavite, La Union, at Quezon, habang bahagyang tumaas ang positivity rate sa Ilocos Norte na naging 21.4% mula sa dating 17% lamang sa nasabing mga petsa.
Magugunitang sinabi ni David na nasa 4.9% na lang ang nationwide positivity rate ng Pilipinas sa COVID-19, na pasok na rin sa 5% naturang threshold ng World Health Organization (WHO).
Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa pagsusuri.














