Obrero, nabagsakan ng firewall, patay

Patay ang isang 21-anyos na obrero matapos na mabagsakan ng firewall habang abalang nagta-trabaho sa construction site, kamakalawa ng hapon sa may Quirino Avenue corner Asuncion St., Malate,Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PSMS Jansen Rey San Pedro ng Manila Police District-homicide section, kinilala ang biktimang si Jeson Tulin, construction worker, ng Jap Construction and Development Corporation.


Naganap umano ang insidente alas-3 ng hapon sa nabanggit na construction site.

Nabatid na abala umano sa pagta- trabaho ang biktima,kasama sina Gerry Maunes,48; at Billy Joe Morely,safety officer, nang biglang bumagsak ang firewall ng katabing lote sa loob ng construction site dahilan para madaganan ang biktima.

Mabilis na isinugod sa Ospital ng Maynila ang biktima pero hindi na naisalba ng mga doktor dahil sa matinding pinsala sa katawan.


Dinala ang bangkay sa Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Latest News