Obispo: Accountability ng mga halal na opisyal ng pamahalaan, dapat bantayan ng sambayanan

BINIGYANG-DIIN ng isang obispo ng Simbahang Katoliko nitong Martes na hindi nagtatapos sa halalan ang pagbabantay ng sambayanan, at sa halip ay dapat na magpatuloy hanggang sa panunungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Caritas Philippines national director at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, na siyang pinuno ng Halalang Marangal 2022, bukod sa pagbibigay ng voters’ education at pagbabantay sa botohan, bahagi rin ng programa ng simbahan ang pagbabantay sa mga pangako ng mga kandidato na kanilang nilagdaan sa covenant signing sa pagitan ng Social Action Centers Good Governance ng CBCP sa iba’t ibang lalawigan.


“We will pursue our post-election program of making our leaders accountable to their promises, we will continuously publish and expose and disseminate information tungkol sa kanilang mga programang pangako at tungkol sa mga pinirmahan nilang mga kasunduan,” anang obispo.

Aniya, kabilang dito ang pagpapatupad ng mga programa para sa kalikasan at ang paggalang sa karapatang pantao.

“Nawa’y magtulungan tayo let’s work together and always for the greater welfare of our people and our country,” dagdag pa niya.


Sinabi pa ng obispo na bagama’t magkakaiba ang pinanigang kandidato, ang mga nanalong pinuno ay magiging pinuno ng buong bansa na ang obligasyon ay tuparin ang pangako sa taong bayan.

Kabilang na aniya ang pagsusulong na kabutihan para sa mas nakakarami. (Philip Reyes)


Tags: Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo

You May Also Like

Most Read