Nurse, OFW, binigyang pagkilala ni Marcos

Binigyan ng pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.,ang mga nurse at Overseas Filipino Workers(OFW) sa ginawa niyang pagbisita sa Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center .

Sinamantala na rin ni Marcos ang pagtitipon para pasalamatan ang mga US-based Filipino na sumuporta sa kanyang kandidatura sa nakaraang eleksyon.


“Kulang po ang pasasalamat ko sa inyo sa inyong naging suporta. Hindi man tayo nagkita, hindi ko man kayo napuntahan dahil sa pandemya, hindi man tayo nakapag-selfie, hindi pa tayo nagkamayan, pero sumuporta po kayo sa amin,” ayon kay Marcos.

Ayon pa kay Marcos, ang mga Pilipino nurse at iba pang healthcare workers sa US ay matapang na tumugon laban sa COVID-19 pandemic.

“Sa gitna ng trahedya, kayo ang naging haligi ng pag-asa, kayo ang naging bagong bayaning Pilipino,” dagdag pa ni Marcos na sinalubong ng palakpakan at sigawan ng mga Pilipino.


Sinabi ni Marcos na 40% ng P34.88 bilyon halaga ng remittance noong 2021 ay nagmula sa nurses at OFWs.

“Hindi lang ninyo tinulungan kundi binuhay po ninyo ang ekonomiya ng Pilipinas… You sent this record-breaking figure, even as many of you were affected by the COVID-19 pandemic. Maraming salamat po sa inyo at sa remittance na inyong ginagawa para sa pagtulong sa ating ekonomiya,” ani Marcos.


Samantala, nakatakda ring makipagkita si Marcos sa mga pottensiyal na business leaders para lkmbinsihin sila na mamuhunan sa Pilipinas .

Gayundin ay makikipagkita si Marcos sa iba pang world leaders sa 77th session of the United Nations General Assembly (UNGA), kabilang na si UN General Secretary Antonio Guterres at US President Joe Biden.


Kasama ni Marcos ang kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at misis na si First Lady Louise Marcos sa pagpunta sa Pilipino community.

Ang programa ,ay sinabayan rin ng kilos-protesta ng ilang anti-Marcos groups na nag rally naman sa labas ng New Jersey Performing Arts Center bilang protesta sa kanyang pagbisita. (Carl Angelo)



Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Latest News