Latest News

Number coding sinuspinde dahil sa bagyong ‘Florita’

Dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong ‘Florita’ ay inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido muna ang number coding scheme mula ngayong Martes hanggang Miyerkoles, Agosto 24.

“In view of the suspension of work and classes by Malacañang and due to heavy rains, the number coding scheme is suspended today and tomorrow,” wika ni MMDA Public Affairs Director Sharon Gentalian.

Una ng inanunsyo ng Palasyo na suspendido ang pasok sa mga pampublikong paaralan at tanggapan ng gobyerno sa NCR at ilan pang lalawigan sa Luzon sa Agosto 23-24 dahil din sa bagyo.


Huling namataan si Florita sa lalawigan ng Isabela, kaya naman limang lugar na sa hilagang Luzon ang isinailalim sa Signal No. 3.

Tags: Florita

You May Also Like

Most Read