NAG-ANUNSYO ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na isasara ang Roxas Boulevard-EDSA flyover (northbound) sa Pasay City sa susunod na linggo.
Sa advisory na ipinost sa social media, sinabi ng DPWH-South Manila District Engineering Office (SMDEO) na magsisimula ang apat na araw na installation works sa Disyembre 26.
Ilalagay ng SMDEO ang dalawang natitirang expansion joints sa Roxas Boulevard EDSA Flyover na sumasaklaw sa mga nasirang bahagi sa northbound directions, ayon sa advisory.
Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na tutungo pahilaga na bumagal ang trapiko at dumaan sa mga alternatibong ruta.
Tiniyak ng DPWH sa publiko na matatapos sa takdang oras ang mga gawain.














