Latest News

Number 1 Most Wanted Person, Arrested!

Sa mas pinalawak na kampanya ng Quezon Police Provincial Office kontra sa mga most wanted persons, walang takas ang Quezon’s Ranked # 1 Most Wanted Person sa kasong RAPE sa inilatag na operasyon ng Lucena PNP sa Purok Pag-asa 1, Brgy Ibabang Dupay. Lucena City, Quezon, nitong October 4, 2022.

Batay kay PCOL LEDON D MONTE, Officer-In-Charge ng Quezon PPO, ganap na 8:15 ng gabi nang maaresto ang akusadong napagkilanlang si Ricardo Barnedo, 50, ng Purok Pag asa 1, Brgy Ibabang Dupay, Lucena City.

Ang pagkakadakip kay Barnedo ay inilatag sa bisa ng Warrant of Arrest na may criminal case number 2022-1312 at 2022-1313, isyu ni Hon. Aristotle M. Reyes, Presiding Judge ng MTC, Branch 15 Lucena City na inilabas ng September 20, 2022, kung saan walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Batay sa naitalang imbestigasyon ng krimen, ang naturang akusado ay sekswal na inabuso ang biktima taong 2021 buwan ng Disyembre sa nasasakupang lugar ng lungsod ng Lucena, Quezon.

Ang matagumpay na pagkakaaresto kay Barnedo ay naitala naman sa tulong ng body worn camera (BWC) at naangkupan ng tamang pagpapabatid ng karapatang pangkonstitusyon (Miranda Doctrine and Anti-Torture Warning) at siya ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lucena PNP Custodial Facility para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.

Gayundin, ang matagumpay na operasyong ito ay mula sa resulta ng isang pinaigting at aktibong pakikipag-ugnayan sa pamayanan sa pamamagitan ng Community Mobilization Program (CMP) at Barangay Intelligence Network (BIN) ng mga kapulisan ng Quezon.

Sa pahayag na nabanggit ni PBGen. Jose Nartatez, Regional Director ng PRO 4A: “Ang Quezon PNP sa ilalim ng pamumuno ng ni PCol. Ledon Monte, Officer-In-Charge, ay sadyang tuwirang sumusunod at nagbabantay sa kaayusan at kapayapaan ng buong pamayanan ng Quezon. Kaya naman, ako ay nagagalak dahil muling nagbunga ang maigting na pulis serbisyo ng Quezon pulis para maaresto si Barnedo na tinaguriang Quezon’s TOP 1 MWP sa kasong rape upang pagbayaran ang kanyang krimeng ginawa sa balangkas ng hustisya. Patunay lamang na tanda ito na nagiging epektibo ang ating pagpapatupad ng batas at napapaabot ang isang maaasahang serbisyo-publiko ng Quezon Pulis para makamit at mapanatili ang payapa at ligtas ang komunidad na kinabibilangan ng lalawigan ng Quezon. Tuloy-tuloy at hindi matitinag ang mga paglalatag ng ating mga operasyong nagsusulong sa tuwirang Kaunlaran batay sa road map ng 7-Points Agenda na kaugnay sa MKK=K (Malasakit, Kapayapaan, Kaayusan = Kaunlaran) Peace and Order Framework.” (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read