UMALMA ang National Task Force –End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa agarang pag-aakusa sa kanila ng ilang militanteng grupo na sila ang nasa likod ng pagdukot sa dalawang nawawalang environment advocates sa Bataan.
“As if on cue, the alleged abduction of two individuals have once again been blamed on the NTF ELCAC without any shred of evidence whatsoever,” ani Jonathan Malaya, Asst Director-General, NSC StratCom Cluster, NTF ELCAC.
Ito umano ang kadalasang ‘fake narratives’ o black propaganda ng grupong Karapatan na ginagawang scapegoat ang NTF ELCAC sa tuwing makakakita ng pagkakataon para manira.
“We challenge Karapatan to come up with any evidence or proof of wrong-doing by the NTF ELCAC and submit the same to the Department of Justice for preliminary investigation. If they have none, then they should let the PNP CIDG conduct its investigation rather than pointing fingers at the NTF ELCAC with complete disregard for the truth.” Ani Malaya
Ayon naman kay USec Ernesto C Torres Jr., Executive Director, National Secretariat NTF ELCAC lubhang nakakabahala ang ulat na pagdukot umano sa dalawang environmentalists na sina Jonila Castro at Jhed Tamano sa Orion, Bataan, na mga coordinators ng environmental group Akap Ka Manila Bay.
Subalit ang akusasyon aniya ng Anakbayan laban sa NTF-ELCAC, sa military at sa gobyerno ay walang basehan at lubhang malisyoso.
Ang walang basehang akusasyon ay may layunin lamang na sirain ang integridad at propesyonalismo ng Task Force at mga tauhan nito na kumikilala sa karapatang pantao, ani Usec Torres.
‘We reject any attempt of the communist terrorist groups (CTGs) to tarnish our reputation and credibility with false and fabricated claims. Further, the NTF-ELCAC urge the authorities to conduct a thorough and impartial investigation into this incident and to ensure the safety and well-being of the victims and their families,’ dagdag nito.
Nabatid na may impormasyon nang nakarating sa NTF-ELCAC na lumapit na sa mga awtoridad ang mga magulang ng dalawang babaeng nawawala upang humingi ng tulong na kumbinsihin at mapa-uwi na ang mga ito.
Maging ang Commission on Human Rights ay nagpahayag na ng pagkabahala sa pagkawala ng dalawang sinasabing anti Manila Bay reclamation advocates.
Samantala, sa lumabas na pahayag ng isang mataas na opisyal, sinasabing nakipag-koordinasyon na ang mga magulang ni Jhed Tamano sa PNP Provincial Director ng Bataan maging sa provincial governor ng laalwigan at CHR.
“I am not at liberty to reveal some important details but suffice to say that the parent of Jhed Tamano has personally coordinated with the PD (Provincial Director of PNP Bataan). They already met with the Governor and the CHR Region 3 is also helping,” pahayag ng opisyal.
“What I can reveal is the parent has an idea where the child is but I am not at liberty to reveal it right now because there are ongoing efforts to convince the child to go home,” dagdag pa ng opisyal ng PNP sa lumbas na pahayag nito.














