Latest News

NTF-ELCAC PABOR SA PAGBIBIGAY NG AMNESTIYA SA MGA NAKALABAN NG ESTADO

By: Victor Baldemor Ruiz

PABOR ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa naging mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa kongreso na suportahan ang paggawad ng amnestiya sa tumiwalag sa armadong galamay ng Communist Party of the Philippine ang New Peoples Army o mga rebel returnees.

Maging ang Department of National Defense ay sang-ayon din sa panawagan ni Pangulong Marcos na paggawad ng amnestiya sa mga dating rebelde na makakatulong umano sa external defense na isinasakatuparan ng Armed Forces of the Philippine.

Ayon kay Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. ang naturang amnestiya aniya ay para sa mga nais na magbalik loob sa gobyerno gayundin para sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

Sinabi ng Kalihim na sinusuportahan niya ang mithiin ng AFP commander in chief tungo sa pagkakaisa at na daan din sa pag-unlad

Paliwanag pa ni Teodoro na babalangkas ang Pangulo ng proklamasyon para sa mga kwalipikado upang matutukan ang external defense.

Subalit nanindigan naman ang Defense chief na ang alok na amnestiya ay hindi bilang kapalit o pagbubukas ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at mga komunista.

Samantala, sinabi naman ni Usec. Ernesto Torres Executive Director, National Secretariat, NTF-ELCAC, repleksyon lamang ito ng commitment ng bansa sa pagkamit ng pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad sa kabila ng mga pagsubok dulot ng terorismo na matagal nang nakakaapekto sa tuluyang paglago ng ekonomiya ng bansa

Paliwanag pa ni Usec. Torres, ang naturang amnesty initiative ng Pangulo ay makatutulong sa patuloy na panawagan ng NTF-ELCAC sa ilang mga rebelde at makakaliwang grupo na ibaba ang kanilang armas at magbalik loob na sa pamahalaan.

Aniya, sa pamamagitan nito ay mas marami ang mabebenepisyuhan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program na layong bigyan ng pagkakakitaan ang mga dating kasapi ng CPP-NPA-NDF nang sa ganon ay tuluyan na nilang talikuran ang madugong pakikibaka.

Kasunod nito, umaasa ang NTF-ELCAC na susuportahan ng buong sambayanan ang panawagan ng pangulo tungo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

“Let us come together as one nation in our commitment to end local communist armed conflict and achieve unity, peace, and development that the Filipino people rightfully deserve,’ dagdag pa ni Torres.

Tags:

You May Also Like

Most Read