Ipinababatid ng National Telecommunications Commission (NTC) sa publiko na may natatanggap itong mga ulat tungkol sa mga taong nagpapanggap diumano na tauhan o empleyado ng NTC.
Ayon sa ilang ulat na natatanggap ng NTC Consumer Welfare and Protection Division, ang mga scammer ay tumatawag sa biktima at tatakutin na ang numero nito ay sangLot sa isang scam.
Ang nasabing biktima ay hihikayatin namagbigay ng pera upang hindi na masampahanng kasong kriminal at matanggal sa listahan ngmga nang -iiscam ang numero nito.
Madiin na pinapaalalahanan ng NTC ang publikona ibayong mag-ingat mula sa ganitong uri ng modus. Ito ay isang uri din umano ng scam at hind ilehitimo ang mga tawag na ito.
Kung may impormasyon sa ganitong uri ng scam, maaaring ipaalam sa NTC upang magawan agad ng karampatang aksyon.
Ipagbigayalam ang ganitong o iba pang uri ng mga scam sa mga sumusunod na opisyal na mekanismo ng NTC: complaint link sa www.ntc.gov.ph; pag-email sakontratextscam@ntc.gov.ph, consumer@ntc.gov.ph o pagtawag sa 1682 (24/7 consumer hotline) at sa mganumerong 89204464, 89267722 & 89213251 (mula 8:00am hanggang 5:00pm, Luneshanggang Biyernes).














