Latest News

NSC SA WITHDRAWAL OF SUPPORT CALL NI CONG. ALVAREZ

By: Victor Baldemor Ruiz

“Ang ganitong mga pagbigkas at kilos ay maaaring ipakahulugan bilang seditious o rebelde at wala silang lugar sa ating Lipunan,” ani National Security Adviser Eduardo Año kaugnay sa naging panawagan umano ni Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez.

Sa isang kalatas na inilabas ng National Security Council hinggil sa panawagan ni Congressman Alvarez sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na bawiin ang suporta sa administrasyon, lubha umanong minaliit ni Rep. Pantaleon Alvarez ang propesyonalismo at integridad ng AFP at PNP.

Ayon kay Sec. Año, ang dalawang institusyon ay tapat sa Konstitusyon, sa tuntunin ng batas, sa chain of command at higit sa lahat sa Pangulo bilang Commander-in-Chief ng Armed Forces.

“ Insinuations to the contrary are baseless and unfounded,” aniya.

Sinasabing ang anumang panawagan para sa pag-alis ng suporta kapag ginawa ng isang public official, higit pa ng isang reserve officer na may mataas na ranggo, ay hindi lamang iresponsable kundi iligal at labag sa Konstitusyon.

Sinisira umano nito ang mismong pundasyon ng ating mga demokratikong institusyon at sinisira ang kapangyarihan ng awtoridad ng sibilyan sa militar.

Ang ganitong mga pagbigkas at kilos ay maaaring ipakahulugan bilang seditious o pagiging rebelde at wala silang lugar sa ating lipunan, ani Año.

Nilinaw ng Kalihim na tulad ng isang demokratikong lipunan gaya ng sa Pilipinas, ang sandatahang lakas ay ‘neutral’ at ‘apolitical’ at nagsisilbi sa mga interes ng bansa sa kabuuan.

“Both the AFP and PNP shall continue to remain above petty partisan, political, or personal interests. Rep. Alvarez, and others who may be similarly inclined, should not drag such respected institutions to serve their partisan agenda or self-interest, even if such calls are made, as he claimed, in a fit of emotion, “ paglilinaw pa ni Sec. Año.

Magugunitang nilinaw ni Alvarez na hindi siya nanawagan ng kudeta o ng karahasan at ang nasabi niyang withdrawal of support ay ‘sa mapayapang paraan’ at bunsod lamang ng silakbo ng kanyang damdamin.

Kaugnay nito ay nanawagan ang NSC sa Kagawaran ng Hustisya na suriing mabuti ang bagay na ito at isaalang-alang ang naaangkop na mga legal na aksyon laban kay Alvarez at sa iba pang katulad na sitwasyon.

“His words and deeds are a disservice to our men and women in uniform who risk their lives daily to safeguard our nation’s security, defend us from all manner of threats, and uphold the Constitution, “ ayon pa sa kalihim.

Tags:

You May Also Like

Most Read