Personal na sinilip ni National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos ang Pag-asa Island (international name: Thitu Island) na nasa Kalayaan Group of Islands sa bahagi ng West Philippine Sea sakay ng military aircraft.
Sinasabing personal na binisita ni NSA Prof. Clarita R. Carlos ang Barangay Pag-Asa Munisipyo ng Kalayaan upang personal umano niyang matunghayan ang pisikal na kalagayan ng nasabing bayan, kasabay ng kanyang pagbisita sa Probinsya ng Palawan.
Kinumpirma ni Maj. Cherryl Tindog, spokesperson ng Armed Forces’ Western Command (WESCOM), ang pagpunta ni Carlos sa isla na bahagi ng Kalayaan Group of Island o Spratlys na inaangkin ng buo o bahagi bahagi ng China, Taiwan, Malaysia , Brunei, Vietnam at Pilipinas.
Ayon sa statement ng lokal na pamahalaan, kabilang sa dahilan sa pagbisita ni Sec. Carlos sa Barangay Pag-Asa sa Kalayaan ay upang personal na matunghayan ang pisikal na kalagayan ng nasabing bayan kung saan nakipagpulong siya sa ilang military official, LGUs at ilang mga residente.
Sa panig ng Team Western Command, hinarap si Sec. Carlos ng commander na si Vice Admiral Alberto Carlos.
“Her visit bespeaks of our common aspiration, strong stand, and unwavering dedication to protect the people and the state under our responsibility,” ani Vice Admiral Carlos .
Ayon sa Team Wescom chief, ang pagbisita ng national security adviser ay pagpapakita rin ng matatag na paninindigan upang protektahan ang estado at ang mamamayan.
“In collaboration with our peace partners, we have done our best in ensuring that the NSA’s official visit in WESCOM’s Area of Responsibility is worthwhile and that there will be no stones unturned as to all security matters of utmost significance. Hence, WESCOM’s commitment to national security and interests is and shall always be the order of the day,” dagdag pa Vice Admiral Carlos.
Ang Pag-Asa Island ay may layong 285 miles west ng mainland Palawan, ang lalawigang nakakasakop sa isla. Ang naturang maliit na munisipyo ay naitatag noong taong 1978. (VICTOR BALDEMOR)