Latest News

NPA, PATAY SA SAGUPAAN, DALAWANG SUNDALO, SUGATAN

By: Victor Baldemor Ruiz

PATAY ang isang miyembro ng New People’s Army kasunod ng nangyaring engkwentro nang tumugon ang mga sundalo mula sa Philippine Army 63rd Infantry “Innovator” Battalion sa sumbong hinggil sa nagaganap na ‘extortion activities’ ng communist terrorist group sa Basey, Samar.

Ayon kay Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, nagsumbong ang mga residente na may extortion activities sa Sitio Bagti, Barangay Mabini, Basey at sangkot ang nasa 10 armadong rebeldeng NPA mula sa Bugsok Platoon, Sub-regional Committee-Sesame (SRC-Sesame) ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Bago pa tuluyang makalapit ang mga sundalo ay sinalubong na sila ng putok kaya’t nagkaroon ng 40-minutong sagupaan bago nagpasyang tumakas ang mga NPA.


Napatay sa engkwentro ang isang ‘Domeng Pajares’, o kilala bilang si ‘Bager’ habang sugatan naman ang isa pang miyembro ng NPA na kinilalang si Melchor Fabula.

Na-recover sa encounter site ang mga armas at war materials, isang M-16 Armalite rifle, grenade launchers at International Humanitarian Law (IHL)-banned anti-personnel mines, ayon kay Bgen Vestuir.


Hinimok ni Vestuir ang mga nalalabing miyembro ng NPA sa Samar at Leyte na sumuko na sa mapayapang paraan.

“The path to peace is open and welcoming to those willing to abandon armed conflict,” aniya.


Samantala sugatan ang dalawang sundalo nang nakasagupa nila ang grupo ng NPA sa Barangay Balbalan Proper at Balantoy, Balbalan, Kalinga nitong nakalipas na linggo.

Sinabi ni Army Major Rigor Pamittan, 5th Infantry Division spokesperson and public affairs chief, na kinilala ang mga sugatan na sina Corporal Jonard Addatu at Private First Class Rojemar Cuyen, kapwa mula sa 98th Infantry Battalion na nakabase sa Kalinga.

Nakasagupa ng 103rd Infantry Battalion at 98th Infantry Battalion, kapwa mula sa 5th Infantry Division 503rd Infantry Brigade, ang mga nalalabing miyembro ng NPA Komiteng Larangang Guerilla (KLG)

Nakuha mula sa Balbalan Proper clash site ang M14 Armalite rifle, Springfield rifle, assorted guns, dalawang improvised explosive devices (IED), blasting devices at personal belongings.

Samantala, nakuha naman sa ikalawang encounter site ang M16 Armalite rifle, backpack, IED, blasting caps, mga gamot, anti-government documents at personal items.

Tags: New People's Army

You May Also Like

Most Read