NPA PATAY, ISANG SUNDALO SUGATAN SA SAGUPAAN

By: Victor Baldemor Ruiz

ISANG miyembro ng communist New People’s Army terrorist group ang napatay nang makasagupa ng mga rebelde ang mga tauhan ng Army’s 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division (2ID) sa Lobo, Batangas.

Sa ulat ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army, kinilala ang nasawing rebelde na si Rey Delos Santos, alyas Roy/Ren, habang sugatan naman ang isa pang kasamahan nito.

Ayon sa ipinarating na ulat sa tanggapan ni Army Commanding General Lt.Gen. Roy Galido, nagsasagawa ng routine security operation ang mga tauhan ng 59th Infantry Battalion ng Philippine Army nang nakasagupa ng mga ito ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Balibago kamakalawa.


Tumagal ng halos 20 minuto ang palitan ng putok hanggang sa umatras pabalik sa kabundukan ang mga rebelde at iniwan ang patay nilang kasamahan.

Dalawang matataas na kalibre ng baril at mga anti-personnel mines ang nakumpiska sa isinagawang clearing operations sa lugar ng engkwentro na ikinasugat din ng isang sundalo.

“While the soldiers do not rejoice in the deaths of our fellow Filipinos, we have a solemn duty to uphold peace, protect our people, and enforce the rule of law,” pahayag ni Maj. Gen. Cerilo Balaoro Jr.

Muli ay nanawagan si Balaoro sa hanay ng mga nalalabing NPA terrorists na isuko na ang kanilang mga sandata at samantalahin ang alok na pagbabagong buhay ng gobyerno, lalo na ngayong Kapaskuhan.


Tags: New People's Army

You May Also Like

Most Read