Latest News

NPA NA MAY KASONG MURDER, HULI SA BICOL-PNP

LAGLAG sa ikinasang law enforcement operation ng PNP-Police Regional Office 5 ang isang kumpirmadong kasapi ng communist New People’s Army na may kasong murder sa lalawigan ng Masbate.

Kinilala ni Bicol PNP chief P/Brig General Jonnel C Estomo ang nadakip na si Jurly Cuyos y Dometita, matapos ang ikinasang manhunt operation ng Masbate City Police Office katuwang ang CI Team RPSPU5/ PSPG at IOPs Masbate MARPSTA.

Si Jurly Cuyos ay miyembro ng Larangan 1 KP4-Larangan Guerilla North Masbate sa ilalim ng kumand ni Eddie/Arnold Rosero alyas Star ayon sa Masbate Police Provincial Office.


Nahaharap si Cuyos sa kasong murder batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng RTC, Branch 44, Masbate City noong February 16, 2022.

Noong Mayo 18, 2021 pinagbabaril umano nito ang biktimang si Joseph Vicente y Manlapaz. Nagtamo ito ng tama sa iba’t- ibang parte ng katawan na nag-resulta sa multiple organ failure at agaran nitong pagkamatay.

Ang korte ay walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Ang PNP-Bicol sa pangunguna ni PBGen.Estomo ay naka-alerto sa pagbibigay ng kaukulang aksyon sa kriminalidad at karahasang nagaganap sa komunidad.


Sa pagtupad sa tungkulin na mapanatili ang kaayusan sa buong rehiyon, baon nito ang pangako na bigyan ng tugon ang sigaw padra sa katarungan ng mga naulilang pamilya ng biktima. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read