Isang kasapi ng communist terrorist group, New People’s Army at itinuturing na No. 1 Regional most wanted Person dahil sa krimen na 53 counts of rape ang nadakip sa ikinasang law enforcement operation ng PNP Police Regional Office 5.
Si Eusebio Ollano Jimenez Jr a.k.a. “ALPAWR”, 52 taong gulang, farmer/fisherman, ng Brgy. 1, Pioduran, Albay ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng PNP-CIDG-Albay PFU, Provincial Intelligence Unit; Albay Provincial Intelligence Team; Regional Explosive Canine Unit 5/Albay PECU EOD, 1st Albay PMFC at Pioduran MPS sa Sitio Lilibdon, Brgy. Ma-Ogog, Jovellar, Albay.
Habang ang rank number 3 Regional Most Wanted Person na kinilalang si Eduardo Belmonte Bellen, 41 anyos ng Sitio Luya Brgy. Gamot, Polangui, Albay ay nadakip naman ng mga tauhan ng Polangui MPS at RIU 5-Albay PIT ay nasundan sa Looban Uno Brgy. Loma De Gato Marilao Bulacan.
Isa pang kasapi ng CTG na nagtago ng walong taon ang nasakote naman sa Brgy. Naga, Tiwi, Albay ng mga tauhan ng Mobo MPS, PIU, 1st Masbate PMFC na pawang nasa ilalim ng Masbate PPO, sa pakikipagtulungan sa Tiwi MPS, 2nd PMFC ng Albay PPO, PIT Albay at PIT Masbate, kapwa Regional Intelligence Unit 5.
Kinilala ang susek na si Joseph Gigante y Capellan a.k.a. “Boyet/Ka Jerome”, 39 ng Brgy. Umabay Exterior, Mobo, Masbate at kasapi ng Larangan 2 Komite ng Probinsya 4 under a.k.a. “Ka Mao” na kumikilos sa 2nd district ng Masbate.
Nakatala bilang number 4 regional most wanted sa Bicol dahil sa kasong murder.
Samantala sa Camarines Sur, isdang 24 anyos na nakalata bilang number 4 provincial most wanted person ang nahuli ng mga tauhan ng Baao MPS sa Brgy. San Ramon, Baao, Camarines Sur at kinilalang sui Niño Bogtong y Bruca, 21, ng Sitio Itonan, Brgy. Buluang, Baao at may kasong Lascivious Conduct in relation to RA 7610.
Isa pang PMWP na may kasong five (5) counts of rape at Act of Lasciviousness, na kinilalang si Rico De Guia y Esta , 52 ng Zone-3, Sitio Upper Anayan, Brgy. Sagrada Familia, Minalabac, Camarines Sur ang nadakip.
Lahat ng subject persons ay pawang walang piyansang inirerekomenda ang korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
“PNP Bicol shall relentlessly endeavor to locate individuals who have erred and ensure that justice be swiftly served to their victims”, pahayag ni PBGen. Rudolph Dimas, RD, PRO5 base sa kanilang “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran”
Likewise, PRO 5 has also undertaken serious actions to empower the public through crime prevention advocacy activities as part of the KASIMBAYANAN shared efforts to sustain peace and security in the region. (VICTOR BALDEMOR)














