NPA LEADER, 3 PA PATAY SA SAGUPAAN

PATAY ang isang pinuno ng Communist New Peoples Army Terrorist group at tatlong tauhan nito nang masabat ng puwersa ng military sa Bicol ayon sa ulat na nakarating sa himpilan ng AFP Southern Luzon Command na pinamumunuan ni Lt Gen Bartolome VO Bacarro.

Sa report na natanggap ni Ltgen Bacarro, nalagasang muli ang puwersa ng CPP-NPA sa Bicol Region bunsod ng inilulunsad na focused military operation ng 9th Infantry (SPEAR) Division.

Unang nakasagupa ng 49th Infantry (GOOD SAMARITANS) Battalion ang isang pulutong ng CNT’s sa hangganan ng Barangay Buenavista, Pio Duran, Albay, at Barangay Sta. Cruz, Donsol, Sorsogon.


Agad na umatras ang mga NPA matapos ang may sampung minutong palitan ng putok at inabandona ang kanilang tatlong kasamahan kabilang ang isang alyas @Bong na tumatayong pinuno ng grupo.

Nabawi sa encounter site ang dalawang (2) M16 rifles, isang (1) cal.45 pistol, several terroristic propaganda materials, at mga personal belongings ng CNTs.


Matapos ang ilang oras isa na namang sagupaan ang naitala ng SOLCOM sa Donsol, Sorsogon; habang isa pang encounter ang pumutok sa bisinidad ng Brgy San Isidro, Palanas, Masbate nang magsumbong sa 2nd Infantry (Second to None) Battalion ang mga residente hinggil sa presensiya ng mga kahinahinalang armadong kalalakihan s akanilang barangay.

Sa pagresponde ng 2IB ay agad na nagkaroon ng sagupaan at isang NPA ang iniwang patay ng kanyang mga kasamahan na tumakas. Isang (1) caliber .357 revolver, mga terroristic propaganda materials, at personal belongings ang naiwan ng mga tumatakas.


“Naging mas maigting ang kampanya ng 9ID sa mga miyembro ng teroristang grupong ito sa rehiyon, at mas pinalakas pa natin ang ating mensahe sa kanila na sumuko na lamang at magbalik-loob na sa puder ng gobyerno, at mamuhay na nang mapayapa upang maiwasan na ang pagkasayang pang muli ng mas marami pang buhay. Tungkulin ng Army na protektahan ang bawat buhay lalong-lalo na ang mga mamamayan ng Bicolandia,” ani Major General Alex Luna, Commander of 9th Infantry (SPEAR) Division. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Communist New Peoples Army Terrorist group

You May Also Like

Most Read