ISANG sinasabing communist New People’s Army bomb-maker na opisyal ng rebolusyonaryong kilusan ang nadakip sa inilunsad na joint law enforcement operation sa pangunguna ng Philippine Army 2nd Infantry Division sa Batangas.
Target ng joint operation ang nadakip na si arrest of the Ernesto Baez Jr. alias Mcdo, tinuturong bomb expert ng SPP KAWING mula Southern Tagalog Regional Party Committee at isang alias Asto, supply officer ng SINAG1 mula rin sa STRPC.
Matapos ang ilang araw na intelligence gathering, sa bisa ng hawak na arrest warrant na inisyu ng korte ay inilatag ng mga sundalo mula 59th Infantry “Protector” Battalion, 85th Infantry “Sandiwa” Battalion, 201st Infantry “Kabalikat” Brigade, Batangas PNP, at San Juan PNP ang law enforcement operations sa Brgy Buhay na Sapa sa San Juan.
Agad na natukoy ang dalawang communist rebel nang dumaan sila sa ikinasang checkpoint sa kahabaan ng national highway sa nasabing bayan.
Nakuha rin ng mga awtoridad sa pag-iingat ng2 CTG member ang dalawang cal.45 pistols, dalawang hand grenades, improvised grenade, at isang blasting cap.
Naniniwala naman si 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division Commander Maj. Gen.Roberto S. Capulong na napigilan nila ang paghahasik ng karahasan ng mga nalalabing NPA sa pagkakadakip sa dalawang kasapi ng Communist Terrorist Groups .
Tiniyak din ni Mgen Capulong na tuloy tuloy ang pakikipag ugnayan nila sa kanilang security sector partners para masiguro ang kaligtasan ng mamamayan sa kanilang nasasakupan.














