NORTHERN LUZON NIYANIG NG 5.5 EARTQUAKE

By: Victor Baldemor Ruiz

NIYANIG ng magnitude 5.5 earthquake ang ilang bahagi ng Northern Luzon kahapon ng umaga.

Sa isinumiteng ulat sa National Disaster Risk Reduction Mangment Council at Office of Civil Defense naitala ang paglindol bandnag alas-8:49 ng umaga, kung saan natukoy ang epicenter nito sa sa layong 15 km sa hilagang silangan ng Maconacon, Isabela.

May lalim itong 42 kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Intensity V – Penablanca, Enrile, and Tuguegarao City, Cagayan

Intensity IV – City of Batac, Ilocos Norte


Intensity II – Pasuquin, Bacarra, City of Laoag, Ilocos Norte

Instrumental Intensities:


Intensity V – Penablanca, Cagayan

Intensity IV – Gonzaga, Cagayan

Intensity III – Ilagan, Isabela

Intensity II – Casiguran, Aaurora; Pasuquin, Laoag City, Batac, Ilocos Norte; Vigan City, Ilocos Sur; Santiago City, Isabela; Tabuk, Kalinga; Madella, Quirino

Intensity I – Bangued, Abra; Diapaculao, Baler, Aurora; Narvacan, Ilocos Sur; Bayombong, Nueva Vizcaya

Nakararanas ng aftershocks ang ilang bahagi ng Isabela kasunod ng tumamang magnitude 5.5 na lindol sa lalawigan.

Ayon sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), hanggang kahapon ng alas-3:00 ay mayroon nang 70 aftershocks ang naitala.

Mula rito, 12 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang tatlo naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.

Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 2.3 hanggang 4.2.

Una na ring ibinaba ng PHIVOLCS sa magnitude 5.5 mula ang lindol sa Isabela mula sa inisyal na naitalang magnitude 5.8 na lindol kahpon ng ng umaga.

Tags: National Disaster Risk Reduction Mangment Council at Office of Civil Defense

You May Also Like

Most Read