Latest News

NORA AUNOR, GINAWARAN NG AFP NG MILITARY FUNERAL HONORS

By: Victor Baldemor Ruiz

BILANG isang dakilang alagad ng Sining at kabil ang sa hanay ng National Artists ay inihimlay kahapon ng tanghali si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Si Nora Cabaltera Villamayor sa totoong buhay ay pinagkalooban ng Armed Forces of the Philippine ng ‘full funeral honors’ bago siya tuluyang inilibing sa Libingan ng mga Bayani.

“The passing of National Artist for Film and Broadcast Nora Cabaltera Villamayor, also known as Nora Aunor, is a great loss to the Filipino people and to the nation’s cultural and artistic community,” saad ni Pangulong Marcos sa Proclamation 870.


Idineklara naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang April 22, 2025, araw ng Martes, bilang Day of National Mourning para sa pagpanaw ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Ang national flag ay dapat na nakahalf-mast mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw, sa lahat ng gusali ng gobyerno at installations sa buong Pilipinas at sa ibang bansa ngayong araw ng Abril 22, ayon sa Proclamation 870 na nilagdaan ni Pangulong Marcos, araw ng Lunes.


Nakasaad sa Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines na ang watawat ay dapat na nakawagayway nang half-mast bilang tanda ng pagluluksa sa lahat ng mga gusali at lugar kung saan ito ay ipinapakita sa araw ng interment ng isang tumanggap ng National Artist award.


Tags: Nora Aunor

You May Also Like

Most Read